Talagang proud na proud ang aktres na si Andrea Torres sa kanyang ina, kaya naman may isang makabagbag-damdaming mensahe ang aktres sa kanyang ina na si Mommy Emy sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong nakaraan.
Sa mensahe ng dalaga sa kanyang IG, ibinahagi rin niya ang ilang masayang picture nilang mag-ina at binigyang-pugay niya rin ito kung saan inihayag niya ang lubos na pagmamahal para sa kanyang ina.
Dagdag pa niya “walking sunshine” ang kanyang Mommy Emy.
“Everyone who knows my mom will agree with me when I say that she’s a walking sunshine (smiling face emoji). Just a moment with her and any person goes back to the world feeling more grateful, seen, heard, valued and most of all, loved,” saad ng dalaga.
Sinabi rin ni Andrea na super blessed siya na magkaroon ng ina na tulad ni Mommy Emy dahil sa busilak nitong puso.
“You have the most beautiful heart Mommy and how blessed am I to have you as my constant [folded hands emoji]. “I think all the love languages are your love languages. Huhu. You make me believe in magic, miracles and blessings. I will never run out of ways to thank you Mommy because anything for you, I’m the happiest doing [smiling face emoji],” sabi ni Andrea.
“Happy happy birthday partner!! May you feel today and everyday how much the world appreciates you!!! [red heart emoji],” dagdag pa niya.
Ilang lamang sa mga celebrities na bumati sa ina ni Andrea ay sina Bea Alonzo, Max Collins, Jackie Lou, Ina Feleo, Pancho Magno at marami pang iba.
Ang maraming netizens naman, tila na-touch sa naging birthday message ng aktres sa ina.
Sa kasalukuyan, isa si Andrea sa mga bida sa TV series na “Love Before Sunrise” kasama sina Dennis Trillo, Bea Alonzo, at Sid Lucero.
Bago ‘yan ay naging parte siya ng kakatapos lang na hit series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan ginampanan niya ang karakter bilang si “Sisa.”