Iniulat ng Bureau of Customs na nasabat ng mga tauhan nito ang nasa 236,571 sako ng smuggled rice na natuklasan sa apat na bodega sa lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ng ahensya na hinihintay nila ang mga komento ng government prosecutor hinggil sa seizure, habang binigyang diin naman na ang mga kinakailangang warrant ay naibigay na sa mga taong sangkot.
Matatandaan na noong Biyernes, nagsampa ng apat na kaso ng smuggling ang BOC Bureau Action Team Against Smuggling (BATAS) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga rice smugglers sa Bulacan.
Ayon kay BOC Legal Services acting director Atty. William Balayo, nagsampa sila ng tatlong kaso ng economic sabotage laban sa tatlong importer, at isang kaso dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa ilalim ng Agricultural Product Smuggling.
Nag-ugat ang mga kaso sa inspeksyon na sinimulan ng BOC sa Bulacan noong Agosto 24.