Walang kaduda-dudang tinuldukan na ng administrasyong Marcos Jr. ang “pakikipagmabutihan” sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang tanggalin sa puwesto kamakailan ang 13 opisyal ng nakaraang rehimen.
Nabatid sa source sa Malacanang na kabilang sa mga inalis sa puwesto ay sina Atty Zeny Ferrolino-Enad, , Assistant Executive Secretary (AES) Jone Rechie Gigayon, Edmund Tayao, National Coast Watch Center (NCWC), Generoso Bolina, Anti-Terrorism Council – Program Management Center (ATCPmc), Crisostomo Beltran ng Presidential Management Staff (PMS) at Atty. Margarita Yu.
Limang opisyal din na may ranggong director ang inalis, sina Roderic Gabia, James Mabilin, Aliza Marie Guilot- Salarda, James Juper Aguilar, Florence Bantugan at Roberto Bartuline Jr.
Unang nahalata ang pagguho ng UniTeam nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara matapos mag-away-away noong nakaraang taon ang vloggers na nagtaguyod sa kanilang tambalan noong 2022 elections at nahati sa dalawang paksyon, isang maka-Marcos Jr kontra sa maka-VP Sara.
Lumala ang tunggalian ng dalawang kampo makaraang mabisto ang paggasta ni VP Sara sa P125-M confidential funds sa loob lamang ng 11 araw bago matapos ang taong 2022.
Napaulat na kampo umano ni Speaker Martin Romualdez ang nasa likod nang pagpapakalat ng impormasyong “nakasisira” umano sa imahe ni VP Sara.
Ayon sa ilang political observers, si Romualdez ang inaasahang makakatunggali ni VP Sara sa 2028 presidential polls.
Wala pang malinaw na paliwanag si VP Sara sa nasabing usapin isyu.