Dapat magampanan ng mga mamamahayag ang tungkulin na malaya sa karahasan, panggigipit at pandarahas.
Ikinalungkot ni US US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson na matapos ang halos isang taon, hindi pa rin nalulutas ang kaso ng pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid.
“Nearly one year later, Percy Lapid’s murder case remains unresolved,” pinaskil ni Carlson sa Instagram.
Nakipagpulong si Carlson kay Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, para magbigay pugay sa alaala nang pinatay na mamamahayag.
Tinalakay rin nila ang kahalagahan ng kalayaan at proteksyon ng mga mamamahayag.
“Nearly one year later, Percy Lapid’s murder case remains unresolved. I met today with his brother @roymabasa to honor Percy’s memory and discuss the importance of media freedom and protection. Journalists deserve to do their work free of violence, intimidation, and harassment,” ani Carlson.
Sa 3 Oktubre ay unang anibersaryo nang pananambang kay lapid Halos isang taon na mula tambangan si Lapid, nakalalaya pa rin ang utak ng krimen na si dating BuCor Director General Gerald Bantag.
Ayon kay Mabasa, na ipinarating ni Carlson ang kanyang simpatiya sa mga naulila ng kanyang kapatid.
“Sinabi niya na minamatyagan mabuti ng embahada ang daloy ng kaso bagamat siya ay nagpahiwatig ng pagkalungkot sa kasalukuyang sitwasyon nito,” wika ni Roy sa Dyaryo Tirada.