Ginto sa unang pwesto sa Line Music Japan ‘s World Music Chart ang “Gento” mula sa SB19 na kalalabas lamang sa musical merkado sa tinaguriang Land of the Rising,
May pangmalakasang 58 milyon na registered users ang nasabing chart kaya isa itong tunay na tagumpay para sa Southeast Asian Superstar Pop Group na binubuo nila Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios, Ken Suson at Stell Ajero.
Isa ang bansang Hapon na inaasahang destinasyon sa Pagtatag World Tour na mangyayari na sa Asya.
Kaya siksik, liglig at umaapaw ang biyaya ang tinanatanggap ng Mahalima ay dahil kahit sikat na ang mga ito, nanatiling nakatuntong sa lupa ang mga paa, magaling, todo ang dediskayon sa kanilang craft at tunay na propesyonal
Nakakwentuhan ko ang dating Sentro Rizal head ng NCCA, si Ms. Annie Luis na mismnong ang pamunuan pa nila ang tumawag sa kanya para tanungin kung meron silang maaring gawin sa Nueva York bilang Sentro Rizal at NCCA Youth Ambassadors dahil nga kasama ang NYC sa unang leg tour nila.
Dagdag pang kwento ni binibining Luis, pag may mga kaganapan sa NCCA kung saan performer ang grupo, dalawang oras bago ang appointed time, andun na venue ang SB19. Ni wala silang nararamdamang kahit na anong asta o angas na sila ay sikat na sikat. Laging may po at opo pag tinatanong ang kanilang mga tugon. At palagiang handa ang mga ngiti lalo na pag may photo opportunities na kasama ang NCCA VIPs at staff. Lugod na lugot si binibining Luis sa husay, talento at kabutihan ng tinaguriang PPop Kings.
Usap-usapan pa rin sa social media ang performance ng SB19 kasama si KZ Tandingan sa konsiyerto nito kung saan ang kinanta ng grupo ay “What” at nagsanib pwersa sila ni Tandingan sa “CrimZone”.
Malaking tagumpay rin ang pagtatanghal nila sa Araneta Coliseum kasama ang iba pang world class Filipino artists na sina Zack Tabuldo at Ben and Ben.
Marami ang kinilabutan at lumuha sa live version ng isa sa pinaka-sikat na SB19 anthem, ang “Mapa” kasama ang buong “Ben and Ben”.
Ang pinaka-tanyag nilang kanta mula sa ikalawang EP na Pagtatag, ay international dance craze na sinasayaw ng KPop idols, Japanese at Chinese pop stars at marami pang iba.
Sa TikTok naman, marami ang nagkaka-gulo at tuwang-tuwa sa dance videos nila ni Sandara Park na isang international Korean singing superstar na naunang namayagpag bilang first runner up sa Star Circle Quest talent show ng ABSCBN.
Ang isa sa mga pambansang kayamanan natin, si Ms. Lea Salonga, bilib na bilib na rin sa kanilang talento at singing prowess. Dalawang posts na ni Salonga tungkol sa SB19 ang super appreciated ng walang katulad at walang kapantay na A’Tin.
Sa unang araw ng Oktubre, ilalabas na ang mga bansang kanilang pupuntahan sa Asya pati na rin ang mga petsa at kung saan ang concert venues.
Sa ika-21 ng nasabing buwan, ang SB19 ang Philippine representative sa ASEAN-Korea Music Festival ROUND sa Indonesia.
Patuloy lang ang pag-wagayway sa watawat ng Pilipinas, SB19! Mabuhay ang talentong Filipino!