Mga laro ngayon (Biyernes)
2 p.m. _ Benilde vs. FEU (Women’s – Game 2)
4 p.m. _ DLSU vs. UST (Men’s– Game 2)
Tatangkaing sungkitin ng La Salle at College of St. Benilde ang titulo ngayon araw at wakasn ang kanilang serye sa finals laban sa magkaibang katungali sa V-League men’s and women’s Collegiate Challenge sa Paco, Manila.
Dumaan sa butas ng karayom ang Green Spikers bago maungusan ang Golden Spikers ng University of Santo Tomas, 25-21, 16-25, 25-21, 22-25, 15-8 at lumapit sa korona ng kanilang best-of-three series noong Miyerkules.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa ganap na 4 p.m.
“Tatrabahuhin pa rin naman ‘to. We’ll make sure na ‘yung mga lapses na nagawa namin during this game, mapunuan namin. Wala akong expectations na makukuha na namin, but since we got this Game 1, medyo mataas ang morale ng players,” ang sabi ni De La Salle acting coach Jose Roque.
Para naman sa panig ng Lady Blazers, hangad nila na tapusin na rin ang serye at pinatunayan ng Taft-based spikers na kaya nilang dominahin ang kalaban.
Makikipagtuos ang Lady Blazers laban sa Lady Tamaraws ng Far Eastern University sa ganap na 2 p.m.
Tila mas determinado ang Lady Blazers sa kanilang pagresbak kontra sa team na tumalo sa kanila noong elimination round.
Ngayon ay nasa bingit na ng bangin and Lady Tamaraws at wala nang planong bigyan pa ni coach Gayle Pascual at ng kanyang mga bataan ng pagkakataong makabawi ang FEU.
Tinalo ng Benilde ang FEU, 25-18, 25-18, 25-16 sa pagbubukas ng serye.
“Titibayan pa rin namin ‘yung defense namin at sa block. So far, nag-work naman siya sa Game 1,” said CSB assistant mentor Jay Chua.
Bago ang championship series, pararangalan ng liga abg mga individual performers kung saan dalawang Most Valuable Players ang papagitna.
Bibigyang pagkilala rin ang mga iba pang sumigasing sa torneo at ito ay mga Best Setter, dalawang Best Outside Spikers, dalawang Best Middle Blockers, the Best Opposite Hitter, at Best Libero.
Ang Finals MVP ay bibigyan rin ng parangal.