May isang gusali ang itinatayo sa loob ng Batasan Complex sa Quezon City.
Tatawagin umano itong People’s Center at magsisilbi raw one-stop shop sa mga mamamayan na magtutungo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso o para sa serbisyo ng mga iniluklok nilang kinatawan.
Maganda sa pandinig ang layunin kung totoo.
Ngunit may mga ulat na ito raw ay gagawing “studio” ng isang sikat na businessman-host na nais umanong magkaroon ng programa sa mga istasyon ng telebisyon na pinamamahalaan ng gobyerno.
Hindi umano kasi nagtagumpay ang businessman-host sa una niyang plano na ipaayos ang isang “studio” sa gusali ng pamahalaan sa Quezon City dahil “nasilip” daw ng Dyaryo Tirada.
Kung bakit ipinipilit ni businessman-host na magkaroon ng program sa state-run television network, tiyak na sila ng pamunuan nito ang nakakaalam.
Kung bakit suportado sila ng magkakapatid na politikong ang prente ay kampeon ng public service, sila rin lang ang nakakaalam.
Ang labis na ipinagtataka natin ay kung paano nila nasisikmurang paikutan ang batas upang pakinabangan ang kaban at pasilidad ng bayan.
Ano kaya ang alas na hawak ng isang lady executive para manatili sa puwesto kahit puro sablay ang trabaho?
Ang mga nasa likod kaya niya ay kakampi o kalaban ng nakaluklok sa Malakanyang?
Wow, wow sana hindi mag-win!