Nagsagawa ng malawakang crackdown sa ilegal na online gambling ang kapulisan ng Thailand kahapon at isang bahay ng deputy chief ng pambansang pulisya ang nilusob.
Ang bahay sa Bangkok ni Surachate Hakparn, na naiulat na potensyal na kandidato para pumalit sa papaalis na hepe ng kapulisan, ang isa sa mga 30 bahay ng mga suspek sa sinasabing “Betflix” o mga website ng ilegal na sugalan na kinasasangkutan ng walong pulis.
Sinabi ni Surachate na hindi siya sangkot sa Betflix at hindi kasama ang pangalan niya sa listahan ng mga suspek.
“Hindi ako nababahala dahil hindi ako sangkot roon at kaya kong sagutin ang kahit anong tanong,” pahayag ni Surachate habang ginagalugad ang kaniyag bahay ng mga miyembro ng SWAT.
Ayon kay Police Major General Trairong Phiwpan, ang mga raid ay kasama sa imbestigasyon ng Betfix na may 12 subsidiary sites.
May 23 arrest warrant ang naisyu dahil dito at walo sa nabigyan nito ay mga pulis.
Sinabi naman ng mga pulis na lumusob sa mga bahay na hindi nila kilala ang mga may-ari ng bahay.