Natimbog mismo sa loob ng Manila City Hall ang isang babae matapos nitong subukan na magsanla ng pekeng titulo ng lupa.
Ayon sa mga ulat, nahuli sa isang entrapment operation ang suspek na kinilalang si Melanie Singcay na inaresto ng Special Operations Unit ng Manila Police District.
Inilahad ng biktima ni Singcay na isinangla sa kaniya ang titulo sa halagang P500,000.
Nagtungo rin sa estasyon ng pulis ang isa pang pinagsanglaan ni Singcay ng parehong titulo sa halagang P200,000.
Iginiit ng suspek na sa korte na lang siya magsasalita.
Mahaharap ang suspek sa kasong swindling, estafa at falsification of documents.