May idinaraos na news forum tuwing Sabado sa Quezon City na umano’y sponsored ng Presidential Communications Office (PCO).
Kahapon, isang Ariel Ayala ang umano’y tumayong moderator nito at madalas na resource speakers ay mga opisyal ng pamahalaan.
Dinarayo ng mga mamamahayag ang naturang forum at ang transcript ay ipinadadala via email ng Transcription Section ng News and Information Bureau (NIB), isa sa attached agencies ng PCO.
Sa transcript ng forum, nakalagay ang pangalan ng resource speakers pero ang sa moderator ay wala.
Nagtataka lang ang ibang beteranong reporter kung ang naturang forum ay PCO-sponsored, bakit kailangan isagawa ito sa isang pribadong lugar gayong puwede naman sa Malacanang press briefing room?
Bakit nagmumula sa Office of the Secretary ang imbitasyon para sa resources speakers sa forum?
Gaano katotoo na isang lalaki umano na malapit sa Palace executive ang nagtitimon sa naturang forum?
Kamakailan ay kinuwestiyon sa budget hearing ang napakaraming opisyal ng PCO, may pitong Undersecretary, 16 na assistant secretary at mahigit 30 director.
Ano ang mga partikular na papel nila sa burukrasya?
Tumatanggap pa sila kada buwan ng Representation and Transportation Allowance (RATA) pero ang iba pa umanong gastos nila ay sinisingil pa sa kaban ng bayan?
Iyan ba ang mukha ng Bagong Pilipinas?
Kawawang mga Pinoy.