Dalawang maginoo at tunay na brown barakos, sina Carlo San Juan at Juan Carlos Galano ang talagang kinakikiligan at may crush means paghanga ang mga kababaihan at sangkabekihan sa kasalukuyang.
Ang Sparkle artist na si Carlo San Juan ay may mapaghamong katauhan sa pelikulang “Lola Magdalena,” na sinulat ni Dennis Evangelista at sa direksyon ni Joel Lamangan mula sa Hero Hito Film Productions.
Ang “Lola Magdalena” ay pelikulang pinagbibihan nina Gloria Diaz, Liza Lorena, Sunshine Dizon, Pia Moran at Perla Bautista na ang mga katauhan ay mga babaing ibinebenta ang kanilang mga sarili at pagkakababae para mabuhay.
Si San Juan, Daks ang pangalan ng katauhan, isang bikini open kontesero na ang market ay ang mga mapagmahal na mga seasoned na kababaiham. May relasyon ang katauhan sa ginagampanan ni Pia Moran na ang inalay kay Daks ay bagong motorsiklo. Pag mahal mo, mahal dapat ang hatag mo, ityan ang motto ni Pia sa pelikula. Iba rin!
Panalo ang rehistro ni Carlo sa pelikula, matikas, makisig at may kaalaman sa pag-arte. Lalaking-lalaki ang dating at talagang nagmumura ang X factor at ang potensyal na maging bida at pangunaging aktor, siento porsiyento.
Sa totoo lang, maalala mo sa kanya ang husay at kaguapuhan ng mahusay na aktor na si Jay Ilagan.
Birthday boy ngayong Linggo ang model, under wear brand ambassador at actor na si Juan Carlos Galano.
Nagbibigay ng estrellang premium kay Juan Carlos ang katotohanan na siya ay nagbiobida sa plays sa tanghalan.
Naging Dodong siya nina Kim Molina at Phil Noble sa ZsahZsah Zaturnah. Bida rin siya sa Virgin Labfest play na “O” kung saan ang conflict at frustration ng kanyang katauhang si Olvier, laging bitin ang kanyang kasintahan at never nitong naabot ang rurok ng kaligayahan sa piling at pakikioag-romansahan sa kanya.
Ang susunod na proyekto ni Galano, balak nito na mag-audition sa paparating na musical theater production na “Rent”.
Siempre pa, iba ang theater discipline, dynamics at professionalism na natutuhan ni Galano sa nga produkstong pinagbidahan.
Ang nakakatuwa sa pagsulpot nina Carlo at Juan Carlos sa showbiz ay ang katotohanan na pareho silang matatangkad, panalo ang kayumangging kulay ng mga balat, at barakong totoo talaga kaya hindi na kataka-taka kung bakit marami ang nararahuyo sa mga binatang makikisig, na magaganda ang mukha, panalo ang tikas at tindig, at higit sa lahat, kay huhusay magbigay buhay sa kanilang mga katauhan at umarte.
Ang “Lola Magdalena” kung saan kasali si San Juan, kahit maoangahas ang tema ng pelikula, parental guidance ang ibinigay na rating mula sa MTRCB. Mas nangingibabaw ang puso, pagmamahal, pakikibaka, at pag-kakaibigan ng mga bidang babae sa pelikula na talaga namang kay walang tulak kabigin, pag dating sa brillo at galing.
Ngayong may Carlo San Juan na at Juan Carlos Galano bilang brown skinned barakos na best in acting pa, dapat na kabahan na ang mga mestizo at mga lalaking artistang haling na haling sa whitening at gluathatione drips. Kay daming roles na bagay sa dalawa.
Panalo nga kung sila ang pagsasabungin at gagawing magkaribal sa pakisigan at pahusayan sa pag-ganap. Matira ang matibay, tunay na mahusay at matigas kay Carlos San Juan at Juan Carlos Galano!