Kung si Justin Brownlee ang tatanungin, may sakit pa rin siyang nararamdaman sa kanyang paa na dumaan sa operasyon, pero balewala ito kumpara sa hirap na kanyang pagdaraanan at kanyang mga kasamahan sa Asian Games men’s basketball competition sa Hangzhou, China na sisimulan sa Martes.
Lilipad na papuntyang Tsina ang Gilas, pero tila hindi pa rin nakukuha ni Brownlee ang kanyang 100% mula nang dumaan sa surgery para alisin ang bone spurs sa kanyang paa.
Tatlong taon na siyang mayroong iniinda pero nagawa pa rin niyang giyahan ang mga koponang kanyang nilaruan.
Dalawang beses, nadala ni Brownlee sa finals ang Barangay Ginebra, kabilang ang kampeonato noong isang taon laban sa Meralco.
Noong nakaraang Mayo, pinangunahan naman ni Brownlee ang Gilas Pilipinas sa pagkopo ng gintong medalya sa Cambodia SEA Games bago magdesisyong magpa-opera bago magsimula ang FIBA World Cup kung saan inokupahan ni NBA star Jordan Clarkson ang kanyang puwesto bilang naturalized player ng bansa.
Kapansin-pansin na iika-ika pa rin si Brownlee sa paglakad kung saan hinarap niya ang media.
“Yes, there’s still discomfort,” ang sabi ni Brownlee. “But I think that’s normal. It will go away in time. As we go along, it will go away very soon, but at the same time, it’s not bothering me too much.”
“It has affected certain movements, but I feel good and I feel comfortable.”
Pero ayon kay Brownlee, higit na mahirap ang kanilang susuungin sa laban sa Asian Games kung saan makakaharap mismo ni Brownlee ang mortal na kalabang si Rondae Hollis-Jefferson at isa pang dating PBA import na si Wayne Chism na gigiyahan ang Bahrain.
Tinalo ni Hollis-Jefferson si Brownlee sa kanilang duwelo noong nakaraang Governors’ Cup kung saan nanaig ang TNT kontra Ginebra.
Magkakaroon naman ng pagkakataon si Brownlee na makasamang muli ang kanyang mga dating teammates sa SEA Games na sina CJ Perez, Chris Newsome, Calvin Oftana, Arvin Tolentino, Marcio Lassiter at Chris Ross.
Bagama’t may iniinda, hindi bumagal ang produksyon ni Brownlee kung aan kumana siya ng 19 puntos, pito rito ay galing sa fourth period para pangunanhan ang Gilas sa 86-81 panalo kontra LG Sakers, isang team mula sa Korean Basketball League, sa kanilang tune up game.
Hindi naman lingid kay Cone ang sitwasyon ni Brownlee at insaahan niyang magiging malaki pa rin ang kanyang papel sa Asiad.
“We had a great closer in Justin,” sabi ni Cone. “It was only his first game back since the surgery and I thought I overplayed him. He’s like our kodiko (a term used in Poker). We can always rely on him. We can always go to Justin.”