Makapigil-hininga ang dating ni Heart Evangelista habang rumarampa sa mga kalye sa Milan suot ang black lace jumpsuit na dinisenyo ni Roberto Cavalli.
Ipinaskil ni Heart ang kanyang mga larawan sa Instagram na may caption: “All wrapped in romance.”
Marami ang nakapuna na sa kabila ng alindog na taglay ni Heart kahit ano pa ang kanyang suot, tila may lungkot na nababanaag sa kanyang mga mata.
Kumalat sa social media kamakailan ang blind item na isang makapangyarihang politiko ang “nagwala” sa birthday party ng isang celebrity.
Isang oras daw nag-monologue ng mura at ng kung anu-anong ‘di kaaya-ayang mga salita ang makapangyarihang politiko.
Ang ipinagtaka ng mga sosyalera sa pagtitipon, deadma to the max ang kanyang partner sa “pagtatanghal” niya ng masamang asal.
Tuloy lang sa pakikihalubilo sa party attendees ang partner ng makapangyarihang politiko.
Bilang isang esposa ng politiko, ano kaya ang masasabi ni Heart sakaling sa kanya mangyari ang naturang eksena?