Sobrang fitting para sa isa sa huling apat na movie queens, si Maricel Soriano ang pagdiriwang at special press conference na ibinigay para sa kanya bilang bagongkasama sa “Pira-Pirasong Paraiso”.
Mala-flash back at tribute ang nangyari sa nasabing payanig at kitang-kita namang ikinalugod ng Diamond Star ang video greetings, pati na rin ang sopresang pagbisita nina Ellise Josom, Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Loisa Andalio.
Isa sa pinag-uusapan at talagang maingay sa social media ay ang komprontasyon nila ni Snooky Serna bilang si Jacinda Lamadrid. Amanda Paraiso ang pangalan ng katauhan ni La Soriano na tumatayong lola ng mga dalagang bida.
Kwento ni Maricel: “Magkaibigan kami talaga ni Snooky kaya walang problema ang mga ganung eksena. Nagtatawagan kami sa phone. Naging guest siya sa vlog ko. Pagkatapos nun, pag wala kaming take, pulos kami chikahan. Matalas ang memorya nui Cookie. Tanda niya ang lahat. Sasabihin niya, ‘tanda mo Cel …’ Pag sagot ko na hindi ko na tanda kasi ang tagal na nun, Sasabihin niya agad,’Hindi, tanda mo iyan….’ Tapos may jarugtong na flashback. Gusto ko yung masaya kami.Tawanan lang. Magaan ang mga kaganapan pag hindi kami nakasalang. Alo kasi ngayon, gusto ko lang palagi, yung masaya ako, yung masaya kaming lahgat.”
Masaya rin siya na makasama ang apat na tinutring na mga ABSCBN prinsesa. Kwento ng Diamond Star: “Kasi di ba, pulos lalaki ang mga anak ko, at mga binata na. Kaya excited ako na pulos babae sila, naging mga-anak-anakan ko sila agad. Noong una nararamdamn ko intimidated sila sa akin, pero sabi ko sa kanila, huwag. Kasi nga mas mahihirapan sila sa mga eksena namin at kakabahan. Ang babait ng mga batang ito. At magagaling. May mga girl talk na kami. Pinag-uusapan namin kung ano ang magagandang kulay at brand ng lip stick. At tinuturo ko sa kanilakung ano ang dapat na sexy underwear. Hahahaha.”
Sina Andalio, Dizon, Joson at Ilacad, iitunuturing na malaking pribelihiyo at karangalan na makatrabaho ang nag-iisang Diamond Star. Nasa bucket list pala nilang apat na magka-proyektong kasama ang tinatawag na nilang Inay Marya.
Kay Charlie, bet na bet niya ang mga bida/kontrabida roles na binigyang buhay ni Maricel sa mga pelikula niya. Para kay Joson, ang versatility ni Soriano ang tunay na kahanga-hanga dahil mahusay ito sa drama at comedy. Sabi pa nga ni Ellise, mas mahirap gumawa ng pelikulang comedy at ang Inay Marya niya lang ang ganun katindi at kahusay.
Maliban sa PPP, may “Linlang” pa ang Diamond Star. May comedy show siyang gagawin kasama ang mga anak ni Comedy King Dolphy na tunay na ama ang turing niya, sina Eric at Epi Quizon. At may isa pa siyang international film, na si Judy Ann Santos ang kanyang makaka-sama.
Eh ang mga kapwa niya reynang sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, at Vilma Santos, gusto niya bang makatrabaho? Mabilis nitong sagot, “Oo naman. Kung pwede nga silang lahat, kaming apat sa isang pellikula, gusto koi yon.”
Sa mga kabataang artistang lalaki, ang pangarap kong jackpot na makasama ng Diamond Star ay sina Daniel Padilla, at mula sa kanyan mismo, “Saka yung kasing galing ni John Lloyd Cruz, si Joshua Garcia”.
Ngayong present na si Maricel Soriano sa “Pira-Pirasong Paraiso” bilang si Amanda Paraiso, walang duda na mas maigting at exciting ang mga mangyayari sa drama. ###