Depensa ang naging sandigan ng College of St. Benilde matapos maposte ang 25-22, 25-13, 25-12 na panalo kontra University of the East at lumapit sa fnals ng V-League Women’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Maynila kahapon.
Isang solidong pagtatapos ang inundayan ng Lady Blazers kung saan walong sunod na puntos ang kanilang pinawalaan, kablang rito ang tatlong sunod na hits ni Zam Nolasco kasunod rin ng back-to-back kill blocks.
“Yung consistency and less errors lang talaga ‘yung nangyari in this game,” ang sabi ni St. Benilde coach Jay Chua.
“Sana gumana ‘yung blocking namin sa Game 2.”
Tumapos si Nolasco nang may anim na blocks kabilang rito ang anim na galing sa atake. Tumipa naman si Jade Gentapa 15 markers sa kabila ng 12 attacks, para pangunahan ang Lady Blazers.
Ang dalawang magkasunod na atake ni Gentapa ang siyang naglunsad ng matikas na pagtatapos ng Lady Balzers.
Dahil sa panalo, isa na lang ang kailangang ng St. Benilde para lumaban sa kampeonato.
Kung dating nahirapan ang St. Benilde sa elimination round, ipinakita naman nila ang kanilang kakayanang mag-adjust para dominahin ang UE sa semis.