Naghain ang National Bureau of Investigation sa CARAGA region ng mga kasong kriminal laban sa mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services kaugnay sa pang-aabuso sa mga menor-de-edad mula pa noong Hunyo.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mahigit 10 katao ang inirekopmendang litisin.
“Ito pa lang June 1 pa lang meron na ditong mahigit 10 tao na recommended for prosecution dito sa Socorro cult na kasama sa ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros,” ani Remulla.
Sinabi ni Department of Justice spokesperson Atty. Mico Clavano na noon pang 1 Hunyo ay nagsampa na ng reklamo ang NBI-Caraga laban sa 13 katao Office of the Provincial Prosecutor sa Surgao del Norte.
“So as per our information, wala pa pong preliminary investigation na nangyayari because pinapa inhibit yung mga prosecutors natin,” ani Clavano sa isang press briefing.
“Ngayon tinitignan ho natin kung ano ang rason kung bakit sila pinapa inhibit at bakit nag iinhibit ang mga prosecutors,” dagdag niya.
Isang opisyal ng Socorro Bayanihan Services, si SBS vice president Mamerto Galanida ang nagsabing nakahanda silang harapin ang mga imbestigasyon sa umano’y sexual abuse sa mahigit 1,000 bata sa bayan ng Socorro sa Surigao del Norte.
Sa kanyang privilege speech ni Hontiveros noong Lunes, isiniwalat niya na ang religious “cult” ay nagkukuta sa bulubunduking bahagi ng munisipalidad mula noong 2019 at may koneksyon ito sa illegal drug trade.
Ang mga menor-de-edad at mga batang may edad na 15-anyos ay napaulat na ginahasa at pinilit na ipakasal sa raped leader ng kulto.
“Unfair kasi hindi pinakinggan ang panig namin. ‘Yung sinasabi na kulto, walang katotohanan ‘yan kasi we are avid members of IFI, Iglesia Filipina Independiente,” sabi ni Galanida.
“Our main purpose is first, for housing kasi mahirap dito ang magtayo ng bahay. Second is agriculture, and third is burial services. Kapag may namatay, mag-tulong tulong kami,”dagdag niya.