Bilang tanging anak ng celebrity couple Richard Gomez at Lucy Torres, lumaki sa spotlight si Juliana Gomez, na ang publiko’y nanabik sa kanyang paglaki at pagsunod sa yapak ng kanyang mga magulang.
Ipinagdiwang ni Richard noong 8 Setyembre ang ika-23 kaarawan ng kanyang unica hija at ipinaskil ang lahat ng mga paborito niyang mga larawan ng kanyang anak mula sanggol hanggang maging ‘accomplished lady.’
“Happy Birthday my love! Always remember that you will always be that little girl in my mind and in my heart. Always keep in your heart that mom and I love you so much and we only wish and want the best in your growing up life. Happiest birthday to you!!!” sabi ni Richard.
Ipinakita ni Juliana ang tuwa at sumagot, “I love you and mom so much! ❤️”
Sa kanyang sariling Instagram account, ibinahagi ni Juliana ang isang simpleng post na nagpakita ng snapshots mula sa kanyang intimate birthday party sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya at may caption “Surrounded by a lot of love and laughter. #23”
Bukod sa isa siyang stunning beauty, marami na rin nakuhang karangalan si Juliana bilang isang atleta, gaya ng kanyang ama, bilang miyembro ng Philippine National Fencing Team na nakapag-uwi siya ng mga medalya mula sa West Java fencing challenge sa Indonesia gayundin sa 2022 Air Force Open Fencing Championship sa Thailand noong nakaraang taon.
Isa rin siyang certified UAAP champion na nakapag-uwi ng bukod-tanging gold medal sa fencing para sa University of the Philippines (UP) noong unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Juliana ng Bachelor of Science in Public Administration sa UP.
Sa nakalipas na panayam, isiniwalat ni Juliana na kaya siya nagpasyang mag-aral ng kolehiyo sa Pilipinas the upang makapiling ang kanyang mga magulang at maging UP alumni gaya ng kanyang mga magulang.
Noong nakaraang taon, napaulat na karelasyon ni Juliana ang kapwa fencer na si Miggy Bautista.