Patuloy na nanawagan ang lider ng Italy na si Giorgia Meloni na mas paigtingin ang naval border at pagbabantay rito matapos ang patuloy na pagdagsa ng higit 6000 migrants mula North Africa sa kanilang bansa sa isang araw.
Inimbitahan ni Meloni ang lider ng European Commission na bisitahin nito ang Lampedusa, ang isla sa Italy na pinagdadaungan ng mga migrante, at sinabing lumikha ng bagong pamamalakad para sa mga ito.
Pinanindigan niya na hindi kayang akuin ng Italy at Europe ang matinding dagsa ng tao, lalo na kung ito ay nasa ilalim ng mga human traffickers.