Isang British nurse ang umapela sa kanyang hatol na mabilanggo bilang parusa sa pagpatay ng pitong sanggol na pinaalagaan sa kanya.
Inihain ni Lucy Letby, 33 anyos, ang kanyang aplikasyon ng permission para umapela sa Court of Appeal of England and Wales, ayon sa staff ng korte.
Na-convict si Letby nitong Agosto dahil sa pagpatay ng limang sanggol na lalaki at dalawang sanggol na babae, at tangkang pagpatay sa isa pa. Siya ang tinaguriang pinaka prolific na child serial killer sa modernong kasaysayan.
Inaresto si Letby matapos ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga sanggol sa Countess of Chester Hospital sa hilagang-kanluran ng England sa pagitan ng Hunyo 2015 at Hunyo 2016.
Pinabulaanan niya ang mga paratang na siya ang pumatay sa mga sanggol.
Sa kanyang jury trial, na-clear siya sa dalawa pang kaso ng attempted murder.
Balak ng mga prosecutor na magkaroon ng re-trial sa dalawang kaso ng pagkamatay ng mga baby sa nasabing ospital.