Kahit na naging ganap na mommy sa edad na 21 ay wala raw pinagsisisihan ang aktres na si Sofia Andres.
Sinabi niya iyan sa kanyang Instagram post kahapon, September 11, kung saan nagbahagi siya ng kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig.
Palagi raw kasi itong inilalarawan na puro lang kaligayahan at masasayang sandali na malayong-malayo umano sa realidad.
“[N]ot my best angle … but um i just wanna let u know that love is often portrayed as a fairytale, with perfect moments and flawless relationships. but in reality, love is not meant to be perfect. it’s messy, challenging, and filled with ups and downs,” panimula ni Sofia sa kanyang post.
Kasunod nito ay ang pag-reminisce niya ng naranasan niya noon na pagbubuntis unexpectedly sa edad na 21 pero hindi niya raw iyon pinagsisisihan.
“[I]t took me by surprise when I became pregnant at a young age, but i will never regret the moment i discovered i was going to be a mom,” pahayag ng aktres.
Bigla umanong nabago ang mindset lalo na noong dumating na ang daughter nila ni Daniel Miranda na si Zoe.
“[B]ecoming a parent brought a sense of responsibility that I never anticipated. it’s a role that requires endless strength and dedication,”sabi niya.
Ganu’n pa man, ibang saya naman daw ang naramdaman niya sa bagong chapter na ito ng kanyang buhay kasama ang kanyang mag-ama.
“[B]ut it’s also a role that brings immense joy and fulfilment being a partner and a mom simultaneously can be overwhelming at times,” pagbabahagi ni Sofia.
“[I]t requires balance, sacrifice, and learning how to navigate the different roles we play in our loved ones’ lives,” dagdag pa niya.
Dahil sa kanyang na-experience, naunawaan na raw niya na ang konsepto ng pagmamahal ay hindi lang tungkol sa masasayang moments.
“[B]but through it all, i’ve come to understand that love is not about perfection,” saad ng celebrity mom.
“[I]t’s about being there for one another, supporting each other, and cherishing the imperfect moments that make our relationships real,” paliwanag pa niya.
Hindi man daw maihahalintulad sa fairytale ang journey at love life niya, hindi raw niya ito ipagpapalit sa kahit ano sa mundo.
“[S]o, while my journey may not resemble a fairytale, it is filled with love, growth, and a deep sense of purpose. i wouldn’t trade it for anything in the world,” diin ni Sofia.
“[B]eing a partner and a mom has taught me the true meaning of unconditional love and has made me a stronger and more compassionate person,” pagtatapos niya.
(pikapika.ph)