Bukod kay Coach Tim Cone, si Stanley Pringle ang isa pang may pagkakataong makabawi sakali mang mapabilang ang beteranong guwardya sa mga nagtatangkang mapasama sa Gilas Pilipinas team na sasabak sa papalapit na basketball competitions sa Asian Games.
Taong 1998 ng giyahan ni Cone ang Pilipinas para mapanalunan ang bronze medal.
Ito ang kahuli-hulihang medalyang napanalunan ng bansa sa men’s basketball competition ng quadrennial meet at hangad ng 25-time PBA champion at two-time grand slam coach na mahigitan ang kanyang nagawa 25 taon na ang nakakaraan.
Limang taon na rin ang nakaraan simula nang makapaglaro sa kanyang unang Asian Games si Pringle, isa sa mga kinuha ni Yeng Guiao na siyang coach ng Rain or Shine-backed Philippine team sa Jakarta meet.
Nagkaroon siya noon ng pagkakataon na makalaro si Jordan Clarkson, ang National Basketball Association star, subalit hindi nila nagawang umabante para manalo ng medalya.
Pero iba ang magiging sitwasyon ngayon ni Pringle dahil nakabitin pa ang tsansa nitong mapabilang sa koponan.
Isa si Pringle sa mga reserve players ng koponan. Kailangan niyang maghintay kung sino sa 12 players na naunang napili ni Cone ang hindi makakapanik sa final roster.
Ang 12 players na unang pinili ni Cone ay pangungunahan ng naturalized players na sina Justin Brownlee at Ange Kouame. Kasama rin sa listahan sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Roger Pogoy, mga players na naglaro para sa Gilas sa katatapos pa lamang na FIBA World Cup.
Nasa line up rin sina Calvin Ofana at Chris Newsome, dalawa sa nakasama ni Brownlee nang muling mapanalunan ng Pilipinas ang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Cambodia nitong Mayo, habang naimbitahan rin sina Jason Perkins, Mo Tautuaa at ang mga nagbabalik sa national team program na sina Terrence Romeo at Calvin Abueva.
Nagustuhan naman ni Cone ang klase ng intensity na ipinakita ng koponan sa unang araw a lamang niya ng ensayo bilang nagbabalakik na head coach ng national team.
Pinalitan ni Reyes si Chot Reyes, na kaliwa’t-kanan ang batiko na inabot sa publiko sa halos dalawang taon niyang paghawak sa koponan.
“I love the energy,” sabi ni Cone. “It seems the guys were happy to be there and we have a good balance of line up.”