ISINUKO ng driver ng Sports Utility Vehicle (SUV) na nasangkot sa road rage at gun-toting Valenzuela city ang kanyang baril sa mga awtoridad ng lungsod kahapon.
Isinurender ni Marlon Malabute ang kanyang baril na cal. 9mm na tinutok niya kay Herminio “Henry” Daez Ong Jr, isang taxi driver sa isang komprontasyon noong 19 Agosto sa Barangay Punturin.
Naging viral ang video noong 6 Setyembre o halos kasabay ng nag-trending na video ni ex PO1 Wilfredo Gonzales na nanapak at nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City.
“Today, September 12, suspect Marlon Malabute physically surrendered his firearm to the mayor’s office, and likewise, we turned it over to the custody of Valenzuela City Police Station (VCPS),” sabi ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isang press conference.
Sa isang media briefing noong 11 Setyembre, inihayag ng pulisya na sinampahan ng mga kasong grave threats, alarm, and scandal si Malabute.