Naglabas ng anunsyo ang Department of Transportation sa publiko na dapat mag-ingat ang mga ito sa paggawa ng bomb jokes ay maaaring magdulot ng problema kahit na wala ka sa eroplano o sa paliparan o saan mang mode of transportation.
Sa isang pahayag, tiniyak din ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa publiko na ang isang bomb threat sa Metro Rail Transit-3 noong Biyernes ay isang panloloko.
Habang ang mga tao ay na-offload mula sa kanilang mga flight at inaresto dahil sa paggawa ng mga bomb joke at bomb threat, sinabi ni Bautista na ang pagbabawal sa ganito ay hindi limitado sa paglalakbay sa himpapawid lamang.
Dagdag pa niya, ang mga parusang ipapataw ay hindi lang sa eroplano kundi sa lahat ng mode of transport kaya naman hinihikayat nito na huwag gawing biro ang bomb threat.
Arestado ang isang lalaki sa Shaw Boulevard station ng MRT-3 noong Marso dahil sa paggawa ng bomb joke habang iniinspeksyon ng mga security guard ang mga bag ng mga pasahero.
Ang Presidential Decree 1727 ay nagpaparusa sa paggawa ng mga bomb joke at pagbabanta ng bomba na may hanggang limang taong pagkakakulong o multang hanggang P40,000.
Una nang sinabi ni Bautista na ang DoTr’s Office of Transportation Security ay lumikha ng komite na kinabibilangan ng Department of Information and Communications Technology at Philippine National Police upang seryosong imbestigahan ang mga bomb threat maging ang mga lumalabas na iba’t-ibang panloloko sa mga pampublikong sasakyan.