Patay sa pamamaril ang isang security guard ng isang riding-in-tandem sa Barangay Dona Imelda, Quezon City at ayon sa paunang ulat mula sa QCPD Station 11, kinilala ang biktimang si Aaron Fortuna na residente sa lugar.
Sa paunang imbestigasyon, kita sa CCTV na nakasakay ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang kanto ng Landargun Street at Guirayan Street at matapos ang ilang sandal ay tinabihan na ito ng isa pang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at saka siya pinagbabaril.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na agad niyang ikinamatay.
Nakalap sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng kalibre kwarentay singkong baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal investigation and Detection Group hinggil sa posibleng motibo sa krimen, habang patuloy din tinutugis ang mga nakatakas na suspek.