Aminado ang sexy actress na si Yen Durano na mas gusto niyang ka-lovemaking ang mga babae kaysa sa mga lalaki dahil pakiramdam niya ay masy komportable siyang ka-eksena ang kapwa babae.
Si Yen ang isa sa mga bida sa bagong offering ng Vivamax na “Patikim-Tikim” na idinirek ng premyadong direktor na si Jose Javier Reyes at kasama niya sina Aerol Carmelo, Apple Dy, Chloe Jenna at Jaggy Lejano. May special participation din dito si Direk Joey.
Ayon sa ilan, manang-mana raw si Yen sa tatay niyang si DJ Durano na isa ring magaling na character actor pero ang pagkakaiba ng mag-ama, mas palaban sa hubaran at sex scenes si Yen kesa sa tatay niya.
Sa past movie ng dalaga, talagang wala siyang pakundangan sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa kanyang mga leading man.
Sa pelikula kasi, may lesbian love scene si Yen sa “Patikim-Tikim” at ayon nga sa dalaga, mas komportable siyang ka-love scene ang kapwa babae.
“In real life, I like women. Nagagandahan ako, naa-attract ako, but I wouldn’t really be in a relationship with one. Mas preferred ko yung girl-to-girl since mas comfy ako. Alam kong hindi ako binabastos, walang thoughts na ganoon. Kasi, aware pa rin naman ako especially with love scenes with guys. I know how guys play. I am just doing work but diyan ka lang. Do your job. May boundaries lang. I set my boundaries kasi I don’t want them to feel na porke’t ginagawa ko ito, puwede mo akong pag-isipan nang ganoon,” sabi ni Yen.
Natanong din si Yen kung ano ang reaksyon niya kapag sinasabing kamukha niya si Nadine Lustre.
“I feel okay about it. There’s nothing wrong since I know she’s a good person. It’s nice to be compared to someone who’s good and has purpose so I don’t give a damn. It’s nothing,” saad ng dalaga.
Samantala, ang Vivamax Original Movie na “Patikim-Tikim” ay magpapakita sa atin kung gaano kahalagang piliin muna ang sarili at kung gaano kasarap sa pakiramdam ang malayang nakakapili.