Nagkaroon ng pagkakataon ang Blackwater na mas maobserbahan ng malapitan ang kanilang import na si Christopher Ortiz, ang isa sa mga sandigan ng Puerto Rico national team sa FIBA World Cup.
Napukaw ang atensyon ng Bossing ng tikas sa paglalaro ni Ortiz bago pa man siya dumating dito sa Pilipinas kung saan kasama ang Puerto Rico sa mga nagkampanya sa Smart Araneta Coliseum.
Nag-average ng 7.2 points kada laro si Ortiz at tulungan ang Puerto Rico na makatungtong hanggang sa second round pero hindi umabante sa quarterfinal round.
Inaashan ni Jeff Cariaso, ang bagong coach ng Blackwater, na babagay si Ortiz sa kanilang sistema.
Ayon kay Cariaso matagal-tagal na niyang na-obserbahan si Ortiz, isang 6-foot-8 forward na kayang maglaro ng iba’t-ibang posisyon, kaya naman hindi naging mahirap para sa coaching staff ang piliin ang de-kalibreng import na kagaya niya.
Bukod sa Puerto Rico, naglaro rin si Ortiz sa Finland, Mexico at Israel.
“We were in touch with his agent even before they come here, because we like what we saw in some of the games he played,” ang sabi ni Cariaso, dating head coach ng Alaska at Converge. “It just so happened that they were really preparing for the World Cup and their team will be coming over to play here.”
Sa FIBA World Cup, isa sa mga magandang katangiang nakita ni Cariaso kay Ortiz ay ang kanyang enerhiya na tila nakakahawa sa iba pang mga miyembro ng koponan.
“I think he’ll be a good fit for us,” added Cariaso. “Hpefully that energy level will rub off on the rest of the team.
Sasamahan ni Ortiz ang mga iba pang pangdiin ng Blackwater na sina Troy Rosario, Ato Ular, Baser Amer, JVee Casio, Yousef Taha, RK Ilagan at Mike Digregorio, habang inaabangan rin ng koponan ang kanilang second overall pick sa PBA Rookie Draft, kung saan inaasahang kukuhain ng Blackwater ang napipisil nilang pinakatalentado sa mga oras na yun.