Maraming artista ang inilagak ang kanilang kinita sa iba’t ibang investment gaya ng bahay, farm lot, mamahaling kotse, alahas at iba pa.
Kasama ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, sa naging masinop sa kanilang kinita sa showbiz kaya’t sila’y proud owners na ang isang magandang bahay sa kabundukan ng Rizal.
Kamakailan ay ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang mountaintop hideaway sa pamamagitan ng isang video sa YouTube channel ni Jennylyn.
Lahat ng bahat sa naturang property ay itinayo mula sa containers.
Ang ground floor ng main house ay binubuo ng tatlong 40-foot containers na may mataas na kisame, habang ang ikalawang palapag ay dalawang 40-foot containers na mataas rin ang kisame.
Anang mag-asawa na ang desisyon nilang gumamit ng containers dahil akala nila, mas madali ito.
Ngunit huli na ng matuklasan nilang hindi pala.
“Mas mahirap pala kasi kailangan namin siyang i-transport dito sa malayong lugar, dito sa Rizal area,” ani Dennis.
“Hindi na namin pinagsama-sama bilang hiwa-hiwalay din naman ‘yong mga containers. Mas maganda na tingnan na ikalat namin siya dito sa area,” sabi naman ni Jennylyn.
(halaw sa Real Living)