Aminado ang aktres na si Ellen Adarna na naglayas umano siya noon sa kanilang bahay dahil dumaan umano siya sa phase ng buhay niya na matatawag siyang “rebelde.”
Sa kanyang IG, sinagot ni Ellen ang ilang tanong ng netizens about her personal life, kabilang na nga riyan ang pang-uusisa ng netizen kung naranasan na ba niyang mag-commute.
“Yes dai, kasi may one time na nag-layas ako. Well, 13 years old, walang pera. So after a day, bumalik ako sa bahay. So ang punishment sa akin, pinag-jeep ako pauwi, pero sinundo ako ng yaya. On the way lang talaga yung schools ng mga kapatid ko sa akin, pero as a way of punishing me, pinag-jeep ako for like three months,” saad ni Ellen.
Bukod dito, pinaranas din daw kay Ellen ng kanyang mga magulang kung paano mabuhay bilang mga yaya.
“Pinatulog ako sa maids’ quarters. Tapos on weekends, ako yung pinapaglaba, pinapatulong ako sa lahat ng household chores,” sey pa ni Ellen sabay dialogue ng, “Ayan, layas pa!”
Sinabi pa ng aktres na napakarami niyang natutunan mula sa pagpaparusa sa kanya ng ama, kabilang na ang kahalagahan ng humility at pagiging responsable.
Sinagot rin ng aktres ang katanungan kung bakit siya naglayas.
“Actually, hindi talaga part sa plano maglayas. Tumakas lang talaga ako para mag night-out, to party party. Nag over-da-bakod ako, lumabas ako from the window. Sobrang amazed sila kung paano ko nagawa yon. Para daw akong si Spider-Man,” saad ng aktres.
“But di ko talaga plan lumayas that time. Umabot na lang sa layas because nahuli akong tumakas, so natakot akong umuwi kasi baka patayin ako ng papa ko. So, natawag na lang talaga siyang layas kasi di talaga ako umuwi,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Ellen na marami siyang “memorable punishments” mula sa kanyang tatay.
“Ang naaalala ko pinaluhod ako sa monggo, and then yun, pinag-jeep ako. Mabuti na rin yon kasi sobrang yabang ko dati, and then that humbled me. Because sobrang maldita ko rin talaga sa mga yaya ko dati, isa din yon, kaya he wanted me to live, to experience kung ano ang trabaho ng mga nannies,” sabi ni Ellen.
“So ayun, naintindihan ko naman. And after that, naging mabait na ako sa mga nannies. Kasi siyempre three months din akong nakitira with them. Tapos na-cut off din pala yung allowance ko,” dagdag niya.
“Sa sobrang pagka-rebellious ko, na-cut yung allowance ko. But, it also taught me to find ways to make money. So yung pagka-rebellious ko, may good thing naman na result. Di ako parang spoiled brat na naghihintay lang sa pera,” sabi pa niya.