Mga laro ngayon (Linggo)
10 a.m. – EAC vs SBU (men’s)
12 noon – UST vs FEU (men’s)
2 p.m. – SSC-R vs FEU (women’s)
4 p.m. – LPU vs UE (women’s)
Koponang nangunguna laban sa kulelat ang magiging tema ng mga laban sa V-League Collegiate Conference kung saan papagitna ang mga wala pang mga talong Far Eastern U at University of the East na haharapin ang San Sebastian at Lyceum sa Paco Arena sa Maynila.
Matapos ulanin ang mga naka-schedule na laro noong nakaraang araw, nagdesisyon ang organizer na Sports Vision na i-postpone ang mga laro sa women’s and men’s divisions.
Pero inaasahan ng Lady Tamaraws at Lady Warriors ang mas agresibong paglalaro ng Lady Stags at Lady Pirates, na kapwa naghahangad na makabutas ng panalo
Kapwa may 0-4 record ang San Sebastian at Lyceum.
Apat na magkakasunod na panalo naman ang naitala ng FEU at UE.
Haharapin ng Lady Tams ang Lady Stags sa ganap na 2 p.m. habang lalabanan naman ng Lady Warriors ang Lady Pirates sa ganap na 4 p.m.
Balik-aksyon naman ang mga kalalakihan sa torneong ito na sinusuportahan ng Bola.TV at Beyond Active Wear.
Magtatapat ang San Beda at Emilio Aguinaldo College sa dwelo ng dalawang wala pang panalong koponan sa ganap na 10 a.m. habang makikipagtagpo ang UST, hangad ang ikaapat na panalo, sa FEU sa ganap na 12 noon.