Hindi dapat ipagkatiwala ng Pilipinas sa China ang pag-develop ng nuclear power sources ng bansa.
Payo ito ni Atty. Terry Ridon, convenor ng InfraWatch, kasunod ng paghimok ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FCCI) sa administrasyong Marcos Jr. na madaliin ang pagpapasya kung magde-develop ng nuclear power sources na anila’y mas murang alternatibo kompara sa coal at maging sa solar.
“We don’t know what he means by developing nuclear power sources, because the country currently has no uranium reserves, which is the the fuel for nuclear power plants,” ani Ridon sa isang kalatas.
Kahit wala aniyang pagtutol ang kanilang grupo sa nuclear technology, kailangan maging maingat ang pamahalaan sa pagpili ng mga estado at kompanya na magde-develop ng nuclear sector ng bansa.
Sakaling isusulong ng Pilipinas ang nuclear sector, dapat ay hindi kasama ang bansang katunggali ng bansa sa teritoryo.
“While we have no strong objections on nuclear technology per se, government must be careful in choosing the states and firms it will engage with to develop our nuclear sector,” sabi ni Ridon.
“Under absolutely no uncertain terms, it should not be with an adversarial state, such as those with whom we have territorial disputes with,” dagdag niya.
Nauna rito’y nanawagan si Ridon sa administrasyong Marcos Jr. na ibasura ang lahat ng China-funded infra projects.
Dapat aniyang maging aral sa pamahalaan ang muntikang pagpayag ng gobyernong Duterte Jr. sa
P20-billion Safe Philippines project na ang pakay ay maglagay ng halos 12,000 closed-circuit television cameras sa Metro Manila at Davao City.
Nabatid na bago naibasura ng Department of Interior and Local Government (DILG)ang proyekti, isang Chinese firm – China International Telecommunications and Construction Corp. – ang nakapasok na sa isang loan contract sa pamahalaan noong 2018.
“Let the Safe Philippines Project be a cautionary tale – we almost let Beijing set up thousands of CCTV cameras in our capital. We call on Congress and the Marcos Jr. administration to study our proposal and urgently scrap all deals with Beijing,” sabi ni Ridon.