Mga Laro Ngayon (Biyernes)
10 a.m. – San Beda U vs NU (men’s)
12 noon – Ateneo vs La Salle (men’s)
2 p.m. – Mapua vs SSC-R (women’s)
4 p.m. – Enderun vs St. Benilde (women’s)
Itataya ng Ateneo ang kanilang perpektong kartada sa V-League Men’s Collegiate Challenge kung saan haharapin nila ang mahgpit na karibal na La Salle Green Spikers sa Paco Area ngayng araw (Biyernes).
Pero hindi na importante para kay Ateneo coach Timmy Sto. Tomas ano mang kartada ang kanlang bitbit papunta sa laban kontra La Salle kung saan inaasahang gitgitan ang labanan.
“Siguro since medyo matagal na sila magkakasama, alam na nila paano mag-cover sa isa’t isa and they are accountable for each other. As much as possible, they help each other kaya mas fluid ang galaw nila. Pero we can’t celebrate the victories kasi minsan it takes maturity pa rin to win this tournament,” ang sabi ni Sto. Tomas na kamakailan lang ay na-appoint bilang bagong coach Petro Gazz sa Premier Volleyball League.
Habang inaasinta ng Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo sa singdami ng laro sa kanilang sagupaan sa La Salle sa ganap na 12 ng tanghali, nais naman ng Green Spikers na sundan ang magandang analo na kanilang naitala kontra San Beda, dahilan para gumanda ang kanilang kartada sa 2-1.
Bago ang kapanapanabik na labang ng dalawang mahigpit na magkaribal, sasalang naman ang San Beda at National University na magtatapat sa ganap na 10 ng umaga sa torneo na inorganisa ng Sports Vision at sinusuportahan ng Bola.TV, Beyond Active Wear, Asics at Mikasa.