Hindi pinalagpas ng TV personality at komedyante na si Vice Ganda ang isang babaeng tila pinagmamalaki sa telebisyon ang kanyang pangangabit.
Sa segment ng noontime show na It’s Showtime na “Rampanalo,” sinaway ni Vice ang contestant na si Jennylyn matapos i-shoutout ang kanyang third-party.
“Shoutout sa asawa ko…ay sa kabit ko, sorry,” sabi ng contestant.
Ani Vice, maling mali ang sinabi ng contestant at hindi raw dapat ipinagmamalaki ang ganung klase ng gawain.
“Ang dami na naming issue, dadagdag ka pa,” giit ni Vice.
Agad humingi ang contestant ng paumanhin sa komedyante.
Kamakailan lamang ay nag isyu ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng isang Notice to Appear and Testify matapos ang umano’y indecent acts ng komedyante at ng kanyang asawa na si Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng noontime show.