Hinihikayat ng isang mambabatas ang publiko na busisiin ang panukalang P2.385-B budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.
Sa panayam ng Brigada kay Gabriela partylist Arlene Brosas, na miyembro ng Makabayan bloc, hindi pa sinasagot ni Vice President Sara Duterte ang kanilang mga katanungan kung saan ginastos ang umano’y P125 milyong confidential funds noong 2022.
Ayon kay Cong. Brosas, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na maka-porma sa budget briefing kahapon matapos na agad na pumabor ang 21 member ng appropriation sa panukalang budget ng OVP.
Nabatid na agad tinapos ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang budget hearing na tumagal lamang ng 15 minuto na ikinadismaya naman ng mga miyembro ng Makabayan bloc matapos na hindi mabigyan ng pagkakataon na makapagtanong.