Pinapawasto ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang proseso ng pag-hire sa mga guro kasabay ng pagbubukas ng school year 2023-2024.
Dahil ayon sa Senador inaabot aniya ng 7 hanggang 8 buwan ang tagal ng pag-hire ng mga guro.
Saad pa ng Senador na pumapalo sa 30,000 ang mga bakanteng trabaho sa DepEd kung saan aabot sa 10,000 hanggang 15,000 dito ay mga posisyon para sa mga guro.
Iginiit din ng Senador na hindi makatwiran na hindi sapat ang mga guro sa mga silid-aralan gayong may mga bakanteng posisyon at available na pondo para sa mga guro.
Kaugnay nito, plano ng Senador na idulog ang naturang problema sa kakulangan ng guro sa deliberasyon ng pondo sa Senado. (BR)