“Magulo ang sitwasyon ngayon. We are being assured by top officials of the DA na walang dapat ikabahala dahil sabi nila, we have enough supply and at the end of this year, we will have a carry-over stock of close to two months.
Sinabi ito ni dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor kahapon sa Straight Talk program ng Daily Tribune.
Ayon daw sa isang mataas na opisyal mula sa DA, ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bigas ay dahil sa paglobo ng presyo ng mga inangkat na bigas, na pinalala ng pagbabawal ng India sa kanilang pagluluwas ng bigas, at ang pagtaas ng presyo ng bigas sa Vietnam.
Ang India ang nangungunang rice exporter sa mundo, na halos 40 porsiyento ng rice export noong 2022, habang ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking importer ng bigas sa mundo.
Sa kabilang banda, pinag-iisipan naman ng Vietnam na i-regulate ang rice exports nito dahil sa El Niño phenomenon.
“Bakit biglaan, may ganitong raiding activity sa mga bodega ng Bureau of Customs, in the active presence of the House of Representatives? Hindi ko matandaan sa aking alaala na ang mga pinuno ng House of Reperesentatives ay umiikot at sumasali sa BoC padlocking warehouses ng bigas. Kung walang kakulangan o krisis, bakit nangyayari ang mga aktibidad na ito?” sinabi niya.
Nagtataka nga naman na may mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang lahat ng batas para pigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.
“My take on that is that, isn’t the government should be implementing all these laws? Hindi na kailangang kumuha ng utos mula sa Pangulo para sa lahat ng mga ahensyang ito na ipatupad ang batas. Pagkatapos ay sinabi ni NFA Administrator Roderico Bioco sa isang budget hearing sa Kongreso na siya ay inatasan ng Pangulo na pumunta sa India upang humingi ng tulong sa pagbibigay ng bigas sa atin. Lahat ng mga bagay na ito ay tila sa akin, pinasinungalingan ang katiyakan at hindi ayon sa mga matataas na opisyal ng DA na mayroon tayong sapat na bigas, bagama’t tumataas ang presyo,” ayon kay Montemayor.
Dagdag pa ng dating DA chief na ang paghabol sa mga hoarder ay “medyo huli na” at nang i-padlock nila ang isang bodega sa Balagtas, Bulacan, na nagresulta sa pagkakasamsam ng hindi bababa sa P505 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na imported na bigas.
Kung lehitimo aniya ang bigas na ito, maaari sana itong ilabas sa merkado para magdagdag ng stock sa halip na itago ito ng 15 araw, o imbes na magkaroon ng epekto na makakuha ng mas maraming supply, na sana ay nagpapabagal sa pagtaas ng presyo. Baka kabaligtaran ang epekto nito.
Puro drawing lang pala ang pangako ng gobyerno na kapag ipinasa ang Rice Tariffication Law ay bababa ang presyo ng bigas.
Napako ang pangako ni Marcos Jr. Na P20/kilo ng bigas pero ang bulsa ng bumubuo ng rice cartel, paldo at ni wala isa man sa kanila ang nadakip, nakasuhan at nahatulan.