“I really regret that press conference.”
Ito ang huling tinuran ni B/Gen. Nicolas Torre III bago niya isinumite kay Mayor Joy Belmonte ang kanyang resignation letter bilang Quezon City Police District (QCPD) director.
Tinanggap ni Belmonte ang pagbibitiw ni Torre at sinabing iginagalang niya ang desisyon ng heneral.
“I respect PBGEN Nicolas D. Torre III’s decision to tender his resignation from his post as the Quezon City Police District Director earlier today,” anang alkalde.
“On behalf of the city, I would like also to express my sincere gratitude for the time, effort, and dedication that he devoted to his assignment throughout his tenure,” dagdag niya.
Sinabi ni Belmonte na nauunawaan niya na ang mga pagkakamali ay bahagi ng pakikibaka ng tao sa buhay kaya’t ang kahandaan ni Torre na aminin ang pagkakamali sa sitwasyon ay kahanga-hanga.
“Regarding the particular incident that led to Brig. Gen. Torre’s resignation, I understand that missteps are a part of everyone’s journey, and it is the manner in which we address them that truly defines us. His willingness to take ownership of the situation is commendable,” wika ng alkade.
Matatandaang naglunsad ng press conference si Torre noong Lunes at iniharap si ex-PO! Wilfredo Gonzales , ang suspek sa pananakit at pagkasa ng baril sa isang siklista sa Welcome Rotonda, QC .
Nag-viral ang video ng insidente na ipinaskil ng vlogger na si Mr BI Vlogs noong Linggo at nagbigay pa ng komento si Torre.
Pinagbantaan ni Torre si Gonzales:
“Damn, yari kang kalbo ka. Sumurender ka na sa pinakamalapit na QC police station para hindi na tayo mapagod pareho.
Pakidala at sumurender na rin ng baril mo para hindi na kami mag-search warrant pa sa bahay mo. Baka kabahan pa ang SWAT ko at makalabitan ka pa ng M16,” sabi ni Torre.
Hindi nagustuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tila espesyal na pagtrato ng QCPD kay Gonzales kaya’t inutusan niya ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) na imbestigahan sila.
“Nevertheless, we will continue to pursue a fair and unbiased investigation of this matter. The City Legal Department and the PLEB remain committed to ascertain the truth in pursuit of justice and accountability. At the same time, we trust that the QCPD and PNP leadership, as well as other offices and agencies having jurisdiction over this incident, will undertake the required course of action on the matter as they deem just and proper,” wika ni Belmonte
Mahalaga pa rin aniya para sa lokal na pamahalaan na makapagbigay lunas at maghatid ng hustisya sa biktima, para hindi maulit ang pag-aabuso sa kapangyarihan ninuman sa kanilang lungsod.
“Muli ko pong binibigyang diin na walang puwang ang karahasan sa ating lungsod,” aniya.
Kaugnay nito, kinompirma ng Supreme Court na empleyado ni Associate Justice Ricardo Rosario si Gonzales ngunit sinibak siya mula naging viral ang video na nanapak at kinasahan niya ng baril ang isang siklista noong 27 Agosto.