Ganap ng batas ang paglalagay ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, kaya obligado na ang Department of Health na maglagay ng specialty centers sa mga ospital nito sa bawat rehiyon sa buong bansa.
Ito’y matapos lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11959 o “Regional Specialty Centers Act.”
Layunin ito ng administrasyon para masiguro ang accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Bukod sa DOH hospitals, sakop rin ng batas ang GOCC specialty hospitals.
Target maserbisyuhan ng itatatag na specialty centers ang mga maysakit na cancer, sakit sa puso, baga, bato at iba pa.