Inaasahan na raw ni Andrea Brillantes na may mga hindi magagandang reaksiyon ang netizens sa “Date or Pass” vlog niya na in-upload noong August 21, 2023.
Pero ang hindi niya na-anticipate ay ang bultong hate comments sa kanyang pag-ami na nais niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.
Wala naman daw siyang ibang ibig sabihin dito dahil naguguwapuhan lamang siya kay Jakob.
Sa kanyang TikTok account kahapon, August 27, naglabas ng kanyang saloobin si Andrea sa mga natatanggap niyang batikos.
Aniya, “It has gotten some attention. Yesterday, when I was at work, I saw a couple of articles nung sinabi ko na parang, ‘Im single, na naguwapuhan ako sa guy na to.’
“Ta’s alam niyo, wala akong pang-amoy, pero dun pa lang naamoy ko na yung comment section.
“Like, I had a feeling na siguro yung comment section puno na naman ng mga boomers. Siguro sinasabi nila na, ‘Puro ako boys, hanap ako nang hanap, magpahinga naman muna ako,’ or to be harsh, ‘Malandi daw akezzz.’
“Pero hindi rin naman nagkamali ang lola niyo dahil tama nga ako, puro yun nga ang nasa comment section.”
Ayon kay Andrea, pinanood dapat ng netizens nang buo ang kanyang vlog bago siya husgahan at komentuhan nang hindi maganda ang sinabi niyang naguguwapuhan siya kay Jakob.
Saad ng Kapamilya actress, “And sa hindi pa po nakakanood, I put so many disclaimers na, ‘Please, we’re just girls having fun, don’t take this seriously,’ and like, that’s one of the reasons why I made it ‘Date or Pass’ instead of ‘Jojowain or Totropahin.’
“And the term of jojowain for me is too serious na, and the last time I did that type of content I actually ended up being being with the guy na trinopa ko.
“Siyempre, ayoko nang maulit yun, di ba? I explained that on my video.