Kakasuhan ng Department of Education (DepEd) ang sinomang guro na hindi susunod sa “bare walls policy” ng kagawaran.
Ayon kay DepEd spokesman Michael Wesley Poa, wala pa naman natatanggap na ulat ang kagawaran kaugnay sa mga guro na hindi tatalima sa direktiba ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte sa public schools na tanggalin ang visual aids, lmga larawan ng mga pambansang bayani at mga naging at kasalukuyang pangulo sa mga pader ng silid-aralan.
“Nag comply naman ang mga teachers…Kung hindi sumunod siyempre po we can always say it is a violation of our rules. Hindi naman tayo naghahanap talaga to penalize our teachers,” sabi ni Poa sa Teleradyo Serbisyo.
“Kung merong hindi sumunod, we will analyze it on a case to case basis and maybe speak with the school head kung anong nangyari pero hindi naman tayo agad agaran magpapataw,” dagdag niya.
“Kung meron hindi sumunod, we will find out first before natin kasuhan ang teacher,” sabi ni Poa.