Mas komportable ang sexy actress na si Ellen Adarna sa kanyang “mother tongue” o sariling wika na Bisaya.
Inamin niya sa kanyang Instagram story na nahihirapan at hindi na siya bihasa sa Tagalog lalo na’t hindi na siya active sa aktingan matapos mag-request ang isang fan ng Tagalog version ng kanyang mga Q&A.
“Nung active pa ako sa showbiz day, nagbabasa ako ng script, and yung mga kausap ko mga Tagalog. At the time, medyo okay yung Tagalog and hindi ako awkward but matagal na na hindi ako nagte-taping,” aniya.
Sinabi rin niya na Ingles o Bisaya lang ang gamit na pananalita sa kanilang tahanan.
“Kasi dito sa bahay, it’s either English, kasi si Derek, di man nakakaintindi ng Bisaya, and yung mga yayas ko, is they’re Bisaya.”
May anak siya sa aktor na si John Lloyd Cruz na nagngangalang Elias.