Susi ng tagumpay ng katatapos na Dirty Linen ang teamwork ng production crew at stars ng blockbuster teleserye.
“Sobrang nagpapasalamat ako sa suporta talaga at pagmamahal ng mga ka-Dirty pero it’s only because of our directors and the writers, and staff of Dreamscape na talagang napupuri kami pero in truth talagang teamwork siya,” sabi ni Janine Gutuierrez sa isang panayam sa ABS-CBN News.
“Nagpapasalamat din ako sa mga cast members, kasi ang laking bagay na sila ‘yung mga kasama mo,” dagdag niya.
Inilarawan ni Janine ang kanyang karanasan bilang isa sa mga bida sa Dirty Linen bilang “bittersweet” at kasabay nito’y ikinatuwa niya na pinanood ng viewers ang finale episode ng teleserye noong Biyernes.
Nagpasalamat din siya sa fans na sa todong suportang ibinigay sa teleserye mula umpisa (23 Enero) hanggang wakas (25 Agosto)
“Grabe talaga ‘yung suporta, simula nung unang trailer pa lang na lumabas at ngayon sa ending na ‘pag nasa labas ako, nagmamakaawa sila na huwag munang tapusin. Nakakatuwa talaga and I hope they enjoy the finale kasi it’s really something to look forward to at dumarami pa ang pasabog na eksena,” anang aktres.