Malakas ang alingawngaw sa 10 enlisted mens barrio (EMBO), na kamakailan ay ibinigay ng Korte Suprema ang territorial jurisdiction sa Taguig City, na kailangang muling mabawi ng Makati City ang teritoryo sa pamamagitan ng halalan.
Opo, iyan po ang unti-unting namumuo sa kaisipan ng mga residente ng dating Makati City barangays sa Distrito Dos kung saan anila dapat na tumakbo si Mayora Abby Binay sa Taguig City para mabawi ang teritoryong matagal pinagserbisyuhan ngunit nawala dahil lamang sa isang mapa na binalangkas noong panahon pa ata ng mga Kastila at Amerikano.
Mayora Abby tumakbo ka sa Taguig City para maipakita mo kung gaano ka kagaling sa mga residente doon at matamasa nila ang tamang serbisyo na dapat nilang matanggap katulad ng mga residente ng Makati.
Dismayado as in dismayado ang mga residente lalo na ang mga magulang ng mga estudyante sa ibinigay na school supplies mula sa Taguig, dahil anila hindi man lamang ito makakapantay sa ibinibigay ng Makati City.
Pero siemprre dapat pa rin silang magpasalamat dahil nga kahit papaano ay nagbigay naman ang Taguig City para sa mga mag-aaral ng EMBO.
Pero ang siste pala hindi pa nabibigyan ang lehitimong mga taga-Taguig na estudyante kaya ang mga ito ay umaangal sa nangyaring kumbakit aniya inuna pa ang bagong teritoryo kumpara sa kanila na datihan at matagal ng humihiling ng school supplies para sa mga bata.
Anyway, balik tayo sa panukalang tumakbo si Mayor Abby sa Taguig City. Ayon mismo kay Mayora Abby isang opsyon ang pagtakbo niya sa Taguig sa 2025 bukod sa paghiling ng plebisito sa pamamagitan ng People’s Initiative na ngayon ay umaandar na sa 10 EMBO.
Ayon sa butihing Mayora Abby kinukunsidera niya ang posibilidad na ito at naghihintay lamang siya ng senyales kung ang pagtakbosa Taguig ay kanyang tatahakin sa nalalapit na panahon.
Hindi aniya niya matiis ang nakikita niyang pagdaramdam ng kanyang mga minamahal na residente ng EMBO kaya’t pinag-iisipan nila itong mabuti.
Tila hindi madedehado si Mayora Abby laban kay Mayora Lani Cayetano dahil base sa estadistika merong 295,865 registered voters ang EMBO kung saan ang Palar at Pinagsama Village na pawang mga relocation sites ng gawin ang C5 Road ay binubuo ng mga dating residente ng EMBO.
Ang nakuhang boto naman ni Mayor Lani noong nakaraang lokal na halalan ay 272,422 kumpara sa nakatunggali niya na nakakuha ng 87,164, lumalabas na bentahe si Mayora Abby laban kay Mayora Lani.
Iyan ay kung ang pagbabatayan ay ang stadistika, kaya siguro nagsalita si Mayora Abby nakinunsidera niya o isa sa kanyang option ang pagtakbo sa Taguig City dahil aniya hindi siya lalaban kung makikita niya na wala siyang bentahe sa labanan.
Ayan mga Brad ang aabanagan natin come 2025 at tiyak ko na magiging isang magandang laban pampulitika iyan.