Inihayag ng Commission on Election (Comelec) na magsisimula na ngayon , 28 Agosto, ang election period at gun ban para sa nalalapit na Barangay at SK election.
Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, nakahanda na ang Comelec para sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Laudiangco na by 12 midnight mamayang gabi, magse-set up ang Philippine National Police ng mga checkpoint na hudyat na nagsimula na ang election period.
Inihayag ni Laudiangco na magsisimula na rin silang tatanggap ng certificates of candidacy (COCs) mula Aug. 28 hanggang 2 Sept. mula Lunes hanggang Sabado.
Ang campaign period ay magsisimula sa 19 October hanggang 28 October