Matapos mabitin sa Dominican Republic, muling papagitna ang Gilas Pilipinaa laban sa Angola sa isang laro kung saan hindi sila puwedeng matalo sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup.
Hindi nagawaan ng paraan ng Gilas na pigilan Karl-Anthony Towns, ang NBA star ng Minnesota Timberwolves, na siyang nagpahirap sa buong koponan ng Pilipinas, na napadapa nitong Biyernes.
Hangad ng Gilas abg makareabak kung saan hahamunin nila ang Angola sa gabap na 8 p.m. sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Alam ng Gilas ang halaga ng laro kontra Angola at tanging ang panalong ito ang maaring magsalba sa kanilang kampanya.
Malaki ang inaasahan ng Pilipinas sa kanilang mga big men na malaki ang ginampanang papel sa laban kontra Dominicans, na nagawang maitakas ang 87-81 panalo, dahilan para umuwing luhaan ang record crowd na 38,115, ang pinakamalaking attendance sa kasaysayan ng World Cup.
Pero nais gumawa namg kasaysayan ng Gilas sa ibang paran kung saan hangad nila ang maging No.1 team sa Asya at magagawa lang nila ito kung aabante sila sa susunod na round.
Ang laro kontra Angola ang magsisilbing basehan kung mananatiling buhay ang pagasa ng mga Pinoy ballers.
Malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga balikat ni AJ Edu, ang pinakabagong miyembro ng Gilas men’s team.
Si Edu, isang 6-foot-10 forward, ang nagsilbing taga pigil kay Towns pero malaki rin ang naging papel ni June Mar Fajardo, ang six-time Most Valuable Player ng PBA, na naging haligi sa poste ng mga Pilipino.
Naglalaro sa World Cup sa ikatlong pagkakataon, balik sa porma ang San Miguel Beer star kung saan naibuslo niya lahat ang limang field goals at nagtala ng 16 puntos kabilang rin ang pitong rebounds.
Pero inaasahan rin ng Gilas ang 7-foot-3 center na si Kai Sotto, na hindi masyadong nagamit dahil sa ganda ng laro nina Fajardo at Edu.
Sa laban kontra Angola, inaasahan ang mas mahabang minutong ibibigay kay Sotto.
“If I have to bring him (Sotto) back in, the guy who I have to sit is a guy named June Mar Fajardo, who had 16 points in 28 minutes,” ang sabi ni Reyes.
“I’m sure a lot of people are going to wonder why, but between sitting AJ and June Mar, there’s no opportunity. The match ups just didn’t favor Kai. But in the next game and the game after, you’ll be able to see more of him.”
Hindi rin nagamit sa unang laro si multiple-time scoring champion CJ Perez habang hindi natapos ni NBA star Jordan Clarkson ang laban dahil na-foul out siya may mahigit na tatlong minuto pa sa laban.
Angola pushed the Italians, a world powerhouse to the limit.