Habang ang buong bansa ay nakatutok sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, sasabak naman ang mga kababaihang players sa parating na invitational tournament sa South Korea — ang Park Shin-Ja Cup.
Makakasagupa ng Gilas women’s team sa kanilang grupo ang Eneos Sunflowers na gumawa ng dynasty sa Women’s Japan Basketball League, at tatlo pang mga koponan sa Korean Basketball League — ang KB Stars, Hana 1Q at BNK Sun na tinalo ng eventual champion na Woori Bank.
Ang Woori Bank ang siyang mamumuno sa Group A kung saan kasali rin dito ang Toyota Antelopes, ang isa pang kasaling team mula sa WJBL.
Kasama rin sa torneong ito ang Australian National Basketball League team ba Bendigo Spirit at iba pang mga kasamang koponan sa South Korea na Samsung Life at Shinhan Bank.
Ayon kay Gilas Pilipinas women’s coach Patrick Aquino, muling magbabalik sa koponan si Khate Castillo na hindi napasama sa national team sa nakaraang William Jones Cup.
Isa sa mga inaasahang players ng Gilas team si Castillo, isang dead shot guard, na maganda ang ipinakita sa nakaraang Cambodia SEA Games at FIBA Asia Cup.
Bukod kay Castillo, magbabalik aksyon rin sina Stephanie Berberabe at Trina Guytingco.
Aangkla naman para sa koponan ang mga pambato na sina Jack Animam, Afril Bernardino at Janine Pontejos katulong rin sina Gabi Bade at naturalized player Malia Bambrick.
Hindi man impresibo ang ipinakita ni Bambrick, tiwala pa rin si head coach Patrick Aquino sa kakayanan ng star player ng Long Beach State, isa sa mga premyadong koponan sa US NCAA Division 1.
May isang taong nabakante sa paglalaro si Bambrick bago sumalang sa kanyang unang torneo mga ilang Linggo ang nakakaraan.
“She was still trying to get his rhythm, but she’s getting much better now,” Aquino told Daily Tribune in a telephone interview.
Sasali ang Gilas sa Korean tournament bilang paghahanda sa papalapit na Asian Games sa Hangzhou kung saan sasabak ang mga kababaihang ballers dito sa kaunaunahang pagkakataon sa Philippine women’s basketball history.