Kinumpirma ng komediyanteng si Vice Ganda na siya pa rin ang tumatayong manager ni Awra Briguela.
Ito ang kaniyang reaksyon sa pagkalat ng balita na binitawan na niya ang actor matapos ang kinasangkutang gulo sa isang bar noong mga nakaraang buwan.
Ayon kay Vice na kinakailangan lamang ng paggabay ni Awra dahil sa kinasangkutan nitong gulo.
Inamin nito na maging siya ay nadismaya sa pagkakasangkot ng alaga sa gulo subalit nanindigan siya na hindi niya ito iiwan.