May pagdududa ang France sa dahilan ng pagbagsak ng eroplano na ikinamatay ni Yevgeny Prigozhin, ang pinuno ng Wagner paramilitary group ng Russia.
“We don’t yet know the circumstances of this crash. We can have some reasonable doubts,” sabi nhg tagapagsalita ng pamahalaang Pranses na si Olivier Veran sa France 2 television.
Napaulay na namatay sa isang plane crash si Prigozhin, ayon sa press service ng Federal Air Transport Agency ng Russia
Sampung katao ang nasawi sa crash malapit sa bayan ng Kuzhenkino, kabilang si Prigozhin.
“An investigation has been launched into the crash of the Embraer aircraft, which occurred tonight in the Tver region. According to the list of passengers, among them is the name and surname of Yevgeny Prigozhin,”sabi ng kagawaran sa isang kalatas.
Si Prigozhin ang pinuno ng private paramilitary organization Wagner Group, na nagkaroon ng mahalagang papel sa pananakop ng Russia sa Ukraine bago naglunsad ng insureksyon laban sa Russian military noong Hunyo.
Hindi nasorpresa si US President Joe Biden sa ulat nang pagkasawi ni Prigozhin.
Habang si Russian President Vladimir Putin ay tikom ang bibig sa isyu.