Binigyan ng parangal si Department of Migrant Worker (DMWs) Secretary Susan “Toots” Ople ng Senado.
Kabilang sa mga nagbigay pugay at pagkilala kay Ople sa sesyon ng Senado sa kanyang nagingbahagi at kontribusyon sa ating pamahalaan at maging sa mamamayang Filipino ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, Jr., Senador Chrisyopher Lawrence “Bong” Go, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Ramon Revilla, Jr., Ronald “Bato” Dela Rosa, Raffy Tulfo, Robinhood “Robin” Padilla, JV Ejercito at Mark Villar at Senadora Risa Hontiveros.
Kabilang sa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng kalihim ay sina Senadora Imee Marcos, at Nancy Binay, Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, Lito Lapid, Francis “Chiz Escudero, at Alan Peter Cayetano
Itinuturing ng mga senador na isang bayani ang kauna-unahang kalihim ng DMW dahil sa kabila ng kanyang painagdadaanan sa kanyang kalusugan ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang pagsisilbi sa ating bayan lalo na sa ating mga overseas Filipino worker (OFWs).
Maituturing na isang malaking kawalan para sa pamahalaan ang pagpanaw ni Ople lalo na’t ang kanyang dedikasyon sa pagsisilbi sa OFWs.
Naniniwala din ang mga senador na mahihirapan ang kasalukuyang adminitrasyon upang makahanap ng kapalit na tulad ni Ople.
Pinuri din ng mga senador ang ipinamalas na tapang ng kalihim na ipagpatuloy ang pagsisilbi sa mga OFWs sa kabila ng kanyang kalagayang pangkalusugan.
Umaasa ang mga senador na magiging inspirasyon at halimbawa si Ople sa lahat ng naglilingkod sa bayan.
Saludo ang mga senador sa kalihim ng DMW dahil sa kanyang kahandaang ipaglaban ang karapatan ng mga migranteng manggagawa. (NA)