Maaaring magdulot ng kaguluhan sa New Bilibid Prison (NBP) ang pagbabawal sa overnight conjugal visit sa persons deprived of liberty (PDL).
Ngunit tiniyak ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights na walang pagsupil sa karapatan ng PDL dahil lamang nakatakas ang bilanggong si Michael Angelo Cataroja.
Nadakip muli si Cataroja noong nakaraang linggo sa Angono, Rizal matapos mapaulat na nawawala sa NBP noong 7 Hulyo.
Ikinatuwiran niya, naburyong siya sa kawalan ng dalaw kaya naisipan niyang tumakas.
Batay sa reenactment, gumapang na parang gagamba si Cataroja sa ilalim ng trak ng basura hanggang makalabas ng NBP.