Kahit biro, hindi nangako si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“He never made any commitment whatsoever. That’s all there is,” sabi ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay sa pahayag ng China na may presidente ng Pilipinas na nangako sa kanya na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“The former president would never do that. He never did it, because he knows that is a symbol of our sovereignty,” sabi ni Medialdea sa panayam sa ABS-CBN.
Ayon kay Medialdea, sa kanyang natatandaan, kahit naging maganda ang relasyon ng Beijing at Pilipinas noong administrasyong Duterte, walang ipinangako ang dating pangulo kay Chinese President Xi Jinping na tatanggalin ang BRP Sierra Madre.
Nauna rito’y itinanggi rin ng mga administrasyon nina Joseph Estrada, Gloria Macapagl-Arroyo, Benigno Aquino III na may pangako sila sa China kaugnay sa BRP Sierra Madre.